minsan sa buhay ng tao, hindi lahat ng plano mo nangyayari. minsan may mga tao ding gustong sumira at gumulo sa mga planong ito. pero kahit minsan ba hindi mo man lang naisip na baka dahil sa mga plano mo ay nakaksira ka din ng ibang tao?
hindi lang ikaw ang importante sa mundong ito, natutunan ko yan sa mahirap na paraan. hindi laging iikot ang buhay ko sa buhay mo. hindi ko laging sasambahin ang sahig na kinatatayuan mo. dahil sa ayaw mo man o gusto't hindi lang ikaw ang importante sa buhay ko. oo, minahal kita ng lubos at walang kulang, inialay ko sayo ang mundo pati ang buwan. sabihan mo man na ang 'corny' ko ngayon wala na akong pakialam.
sana lang naintindihan mo na nasaktan mo din ako, na hindi ako gawa sa bato. nararamdaman ko din and mga nararamdaman mo, hindi mo ba nakita ang mga paghihirap na dinanas ko parang ika'y sumaya? sinuway ko ang hiling ng mga magulang ko, pinapilitan ko ang mga kasinungalingang ipinakain mo sakin sa mga mukha nila. hindi mo man lang naisip na sa mga oras na nagsisinungaling ako sa kanila ay unti-unti akong nadudurog at nawawasak sa loob? hinayaan ko na ang puso ko ang magisip kaysa sa utak ko. dahil sa minahal kita, iniwan ko lahat ng hindi importante sa buhay ko. isinakripisyo ko ang aking kaligayahan, kaligtasan at higgit sa lahat ang aking sarili para lang malaman mo kung gaano kita kamahal.
sana pala nung una hindi nalang kita nakilala. hindi nalang ako naglakas loob na aminin ang aking nararamdaman. ginamit mo lang ako, para sa ikaliligaya ng pagkatao mo. hindi mo naman ako minahal, hindi mo naman ako binigyan importansya, at higit sa lahat hindi mo man lang ako nirespeto.
ngayon nakikita ko na ang mga pagkakamaling ginawa ko sa buhay ko. hindi ako naging masaya sa tinagal ng pagsasama natin. hindi ko na maalala ang mga bagay bagay na ginawa natin. hindi na mahagilap ang dating pagtinggin, naubos tila ang tiwala at respetong mayroon ako sayo.
sana lang hindi mo nalang ako pinaasa. sana lang hindi mo nalang ako pinaibig sa isang tulad mo.
ang buhay ko'y tila isang espasyong naghihitay na mapuno. lagi nalang kinaliligtaan ng mga taong dumaraan, dinadalhan ng kalat at dumi at minsan dinuduraan. ganyang ang buhay ko ngayon. dahil sayo, hindi ko na alam ang gagawin. dahil kahit anong limot ang gawin, hindi ko maisalis sa utak ko ang karumaldumal na sakit.
eto ako ngayon. isang DEPEKTIBONG nilalang na naghihitay sa pagkakataon na mabuhay muli mula sa hukay na pinaglagyan mo.