Saturday, February 19, 2011

in love ako kay..

in love ako sa bestfriend ko. hindi ko alam kung bakit, basta mahal ko siya. minamahal ko siya kasi ang bait niya at minahal ko siya dahil sa kung sino siya. mula umaga hanggang gabi, magkasama kami. nagtatawanan, nagbibiruan, nagkwekwentuhan at nagsasaya.

mahal ko ang bestfriend ko. siya lang ang umiintindi sa akin. siya lang ang taong nag-aaruga sa akin. alam kong hindi niya namamalayan ang mga ito, pero dahil dito mas ramdam ko na mahal niya rin ako.

minamahal ko ang bestfriend ko. pero kapatid lang ang turing niya sa akin. kahit gaano ko siya kamahal, hanggang kaibigan lang ako.

dumaan na ang mga araw, lumipas na ang panahon, nagkahiwalay na kami, nagkaroon ng kanya-kanyang buhay.

i love my bestfriend. namimiss ko na siya. hindi na ako makapaghintay na makita siya muli. sana hindi pa huli ang lahat, sana masabi ko pa ang nararamdaman ko.

iniirog ko ang bestfriend ko. mula noon hanggang ngayon tumitibok ang puso ko para sa kanya. makita ko lang siya muli ay masasabi ko na rin ang aking lihim.

naglapat muli ang aming mga mata. bakas ang pangungulila namin sa isa't isa. niyakap niya ako. mahabang panahon din ang nawala saamin.

sinisinta ko ang bestfriend ko. kaya lang hanggang lihim nalang ito. wala na patutunguan ang pag-ibig ko, dahil may mahal na siyang iba.

at sa huli, ako padin ang bestfriend niya...

i love you bestfriend yesterday, today and forever......


1 comment:

Unknown said...

Alam mo ! dama kita ! :(
Gustong gusto ko tong part na to na sinulat mo, nararamdaman ko din kc kung ano ung nararamdaman mo eh ! in every word you had write i feel the emotions of you.
Bakit kaya ganun noh ?! >.< >.^